jump to navigation

Willie Revillame and Joey de Leon nagkabati na..watch the video October 18, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Eat Bulaga, GMA7, Joey De Leon, Phillippine Chizmis, Phillippines, Showbiz, Videos, Willie Revillame, Wowowee.
Tags: , , , , , , , , , , , ,
4 comments

Dumating ang TV host-comedian na si Joey de Leon sa kauna-unahang Supreme to the Extreme Award na ipinamahagi ng Philippine STAR kagabi, October 17, sa Embassy Super Club sa The Fort, Taguig City.

Si Joey ang tumanggap ng highest award na Supremo Award.

“Nakakatuwa. Isinama ko pa nga ang dalawa kong anak dahil proud ako rito. Proud ako! Excited ako rito at seryoso ako sa award na ito,” saad ni Joey.

Dumating din sa naturang awards night ang host ng Wowowee na si Willie Revillame, na kapatutsadahan ni Joey sa kanya namang noontime show na Eat Bulaga.

Bago pa man sila magkaharap ni Willie sa stage nang tanggapin naman ng Wowowee host ang kanyang Televisionary Award, nahingan na namin  si Joey ng pahayag tungkol sa napipintong paghaharap nila ni Willie.

“Oo nga, hinahanap ko nga, e, nandoon yata sa likod. Okey lang, kaibigan ko naman yun,” nakangiting sabi ni Joey.

Aniya, “Si Willie? Wala, kaibigan ko yun matagal na. Yung sa TV, biruan-biruan lang namin yun. Hello, pare, kumusta ka? Pautang! Hindi pala, pengeng pera!” natatawang sabi ni Joey.

Pagkatapos ng awards night, tinanong namin ulit si Joey kung ano ang masasabi niya sa pagbabati nila ni Willie.

“Wala yun, magkaibigan kami niyan,” ulit niya. “Bukas [October 18], babatiin ko siya sa Eat Bulaga at babatiin din niya ako [sa Wowowee]. Parehong pinapanood ‘yan. Ratings lang ‘yan. Two can survive. Not Channel 2 ha? Two can survive,” pakuwela ni Joey.

What about his message to Willie?

“Na-miss ko rin siya, matagal kong nakasama ‘yan.”

Alam din ng karamihan na dahil sa namagitan sa kanila ni Willie sa mga patutsadahan nila sa telebisyon, madalas din siyang mapitik sa panulat ni Cristy Fermin. Ano ang masasabi ni Joey sa suspension ni Cristy sa ABS-CBN, lalo pa nga’t pareho rin silang host ng talk shows; si Cristy sa The Buzz at si Joey naman sa Startalk?

“Hindi ko alam ang buong istorya nila. Ako nga, e, madalas masuspinde, so okay lang ‘yan. Wala, okey lang na masuspinde. Ako ang pinakahari ng suspension, e. Okey lang yun, balewala yun. Minsan kasama sa trabaho yun,” pahayag ng beteranong TV host.

“Alam n’yo, sa diyaryo ko lang kayo nababasa,” sabi niya sa mga young writers. “Hindi n’yo lang alam, before I joined Philippine STAR, e, fan n’yo na ako! At ang Supremo po ay mataas ‘yan! Ang katumbas niyan, e, patron, ‘ika nga.”

Sa huli, sinabi pa niyang, “Willie, I love you!”sabay nagpalakpakan at sigawan ang mga tao sa loob ng Embassy Bar.

Advertisements

Charice Pempengco napaiyak kay Mariah Carey October 14, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Phillippine Chizmis, Showbiz, Sports, Videos.
Tags: , , , , , , ,
3 comments

Kabilang si Charice sa mga supporter at performer ng charity event ng sikat na tennis player.

“This performance tonight is for them. So, I’m really happy to be part of this, because I can relate to them,” ani Charice sa interview sa kanya sa red carpet.

Dennis Trillo star struck kay Judy Anne Santos September 23, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, GMA7, Movie, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , , ,
1 comment so far

AMINADO si Dennis Trillo na natutulala pa rin siya kapag kaharap na niya si Judy Ann Santos. Sabi nga ni Dennis, kung ano ang naramdaman niya nu’ng una silang magsama sa pelikula, ganu’n pa rin ang naramdaman niya sa movie nilang Mag-ingat Ka Sa…Kulam ng Regal Films.

“Kaya nga tahimik lang ako sa set. Everytime na nakikita ko siya, starstruck ako dahil iba ang aura na nakikita sa kanya. Iba ang level of confidence na pinu-project niya. Ibang level talaga ang isang Judy Ann!

Suwerte ko na nakatrabaho ko siya ulit,” sabi ni Dennis.

article: abnte

photo:abs

Celine Dion and Charice Pempengco Duet September 17, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Hollywood, News Around the Globe, Phillippine Chizmis, Phillippines, Showbiz, Videos.
Tags: , , , , , , ,
1 comment so far

Richard Gutierrez on Heart Evangelista and Kc Concepcion September 17, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, GMA7, Heart Evangelista, KC Concepcion, Movie, Phillippine Chizmis, Richard Gutierrez], Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
21 comments

Japan-bound this November ang love team nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista para sa two-day shows na gaganapin sa Osaka at Tokyo na iisponsoran ng distributor ng GMA shows sa bansa.

Having the best of both worlds ang bida ng Codename: Asero dahil kapwa niya makakasama sa ibang bansa ang dalawang babaeng parte ng buhay at career niya ngayon.

Si Heart ang bibitbitin at ipapasyal niya sa GMA series sa Japan at si KC Concepcion naman ang makaka-date niya siyempre sa foreign screening ng For The First Time movie nila sa Vienna, Austria.

Jennilyn Mercado magbabalik sa pelikulang “One night only” ( jennilyn mercado update) September 16, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, GMA7, Jennilyn Mercado, Movie, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , ,
16 comments

Ayon sa mismong PR manager ng OctoArts Films na si Ms. Aster Amoyo ay kasama na si Jennylyn sa cast ng One Night Only. Ito ang magsisilbing comeback project ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor pagkatapos niyang isilang ang anak nila ng dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia.

Ang One Night Only ay isa sa dalawang entries ng film company ni Boss Orly Ilacad sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang isa pa ay ang reunion movie nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na Iskbul Bukol 20 Years After (The Adventures of Victorio Ungasis and the Escalera Brothers).

Makakasama ni Jennylyn sa One Night Only sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Paolo Contis, Alessandra de Rossi, Ricky Davao, Jon Avila, Candy Panglinan, Chokoleit, Jason Gainza, at ang mga kapatid ni Jennylyn sa management ni Becky Aguila na sina Valerie Concepcion at Joross Gamboa.

Matatandaang noong unang prinesenta ang One Night Only sa screening committee ng MMFF ay kasama sa cast ang ilan sa prime talents ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN. Pero napabalitang pinull out ang mga ito dahil ayaw raw ng Star Magic na magmukhang suporta ang mga alaga nila kay Katrina, na isang Kapuso star.

Charice Pempengco Solong magguguest sa Oprah Show September 16, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, News Around the Globe, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , ,
1 comment so far

Solong-solo ni Charice ang spotlight dahil siya ang nag-iisang special guest sa Tuesday edition, 4:00 p.m. (araw ng Miyerkules sa Pilipinas) ng The Oprah Winfrey Show.

Ito ang teaser plug tungkol sa pangalawang guest appearance ni Charice sa programa ni Oprah:

“The girl with the voice is back! From a small town in the other side of the planet, raised by a single mother… singing to feed her family. Wait until you see what’s happening now. Her dream comes true before our eyes.”

Base sa teaser plug, madrama ang episode na mapapanood kaya malaki ang tsansa na makuha ni Charice ang simpatya ng mil­yun-milyong viewers ng Oprah sa buong mundo.

Piolo Pascual and Marian Rivera September 10, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Angel Locsin, Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Piolo Pascual, Showbiz.
Tags: , , , , , , , ,
13 comments

Isa si Piolo sa mga binanggit ni Mother Lily Monteverde na gusto niyang hiramin sa ABS-CBN at Star Cinema para sa kanyang film outfit na Regal Entertainment. Payag ba si Piolo rito?

“Exclusive po ako sa Star, e. ‘Pag pinahiram po. Pero nakapirma ako sa Star ng three pictures for three years. Depende po kay Tita Malou,” sagot ng matinee idol.

If ever, dagdag pa ni Mother Lily, gusto niyang itambal si Piolo kay Marian Rivera.

“Depende po kay Tita Malou. Sumusunod  lang ako kay Tita Malou,” ani Piolo.

Mas iigting daw ang competition sa kanila ni Dingdong Dantes kapag itinambal si Piolo kay Marian, na ka-love team ni Dingdong. Ano ang reaksiyon ni Piolo rito?

“No, Dingdong and I are friends,” diin ni Piolo. “I have no issues against the guy. I actually admire him because grabe rin naman ang pinagdaanan ni Dingdong. Kung magkaroon man ng competition, it will be a healthy competition. But both of us will benefit from it.”

Kris Aquino humingi nagapologizes kay Charlene Gonzalez September 10, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , , , , ,
11 comments

In Dolly Anne Carvajal’s column written yesterday, September 9, in a daily broadsheet, the entertainment columnist said, “At the gala show of Randy Ortiz, Kris snapped at Charlene [Gonzalez-Muhlach], ‘Pa-star ka!’ just because the color of Charl’s gown was different fro the set motif.”

Apparently, the motif for the event was black and white, while Charlene wore a blue and dark brown outfit.

This was also the explanation of Kris in a text message sent to TV Patrol World. She said that her mistake was that she cracked a joke at someone who is not close to her. Also in the same message, the Kapamilya, Deal or No Deal host recalled the issue between her and Charlene about the cancellation of the latter’s weekend program.

The text message read, “Di ba nga when her show in ABS was cancelled, ako’ng napagbintangan na dahilan and I already answered na di naman ako nagkaroon ng weekend show.”

It continued, “Obviously, she doesn’t like me and my mistake was I gave her another reason to dislike me.”

At the end of the message, Kris wrote, “Iniintindi ko na lang.  I joked with the wrong person, so I apologized right away.”

Cristine Reyes “walang malisya” kay Jericho Rosales September 10, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Jennilyn Mercado, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , ,
4 comments

Kahapon ay itinuwid ni Cristine Reyes ang tsismis tungkol sa pagkakaroon niya ng crush/pagnanasa kay Jericho Rosales. Sabi ni Cristine, hindi raw niya sinasabing type si Jericho bilang karelasyon, kundi hanga lang daw siya sa husay ni Echo na umarte.

“Kapag may eksena kami sa Kahit Isang Saglit, namu-motivate talaga niya ako. Nakakahawa ang husay niya sa pag-arte. Paghanga lang, pero hindi naman `yung type na maging ano (karelasyon),” pahayag pa ni Cristine.

Ows? Totoo ba yan Cristine?

Sa ganyan pa crush crush nagsisimula ang lahat.