jump to navigation

Jennilyn Mercado magbabalik sa pelikulang “One night only” ( jennilyn mercado update) September 16, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, GMA7, Jennilyn Mercado, Movie, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , ,
16 comments

Ayon sa mismong PR manager ng OctoArts Films na si Ms. Aster Amoyo ay kasama na si Jennylyn sa cast ng One Night Only. Ito ang magsisilbing comeback project ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor pagkatapos niyang isilang ang anak nila ng dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia.

Ang One Night Only ay isa sa dalawang entries ng film company ni Boss Orly Ilacad sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang isa pa ay ang reunion movie nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na Iskbul Bukol 20 Years After (The Adventures of Victorio Ungasis and the Escalera Brothers).

Makakasama ni Jennylyn sa One Night Only sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Paolo Contis, Alessandra de Rossi, Ricky Davao, Jon Avila, Candy Panglinan, Chokoleit, Jason Gainza, at ang mga kapatid ni Jennylyn sa management ni Becky Aguila na sina Valerie Concepcion at Joross Gamboa.

Matatandaang noong unang prinesenta ang One Night Only sa screening committee ng MMFF ay kasama sa cast ang ilan sa prime talents ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN. Pero napabalitang pinull out ang mga ito dahil ayaw raw ng Star Magic na magmukhang suporta ang mga alaga nila kay Katrina, na isang Kapuso star.

Advertisements