jump to navigation

Marian Rivera magpapaseksi sa susunod na soap opera October 14, 2008

Posted by auxbreak in Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Phillippine Chizmis, Sexy Photo, Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
24 comments

All-out drama nga raw ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at mas seksing Marian daw ang mapapanood rito.

“Sexy talaga. Para maiba naman at para mas ma-challenge ako. Actually, hindi pa nasasabi sa akin ang kuwento. Pero, alam ko ang title. At wala akong ideya kung anong klaseng soap-opera siya. Pero sabi lang sa akin ni Dong, heavy drama at la­labas ang pagka-mature naming dalawa.”

Masaya nga si Marian na sila pa rin ni Dingdong ang magkasama.

“Siyempre naman. Iba kasi ang samahan namin ni Dingdong.”

Patani Dano ng Survivor Phillippines lumaki na ang Ulo October 14, 2008

Posted by auxbreak in Eat Bulaga, GMA7, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , ,
add a comment

TINANGGI ng isang staff member ng Survivor Philippines na lumaki na ang ulo ni Patani Dano mula nang matupad ang pangarap nito na magkaroon ng maraming TV exposure.

“Lagi lang pong dilat dahil hindi nakakatulog ng sapat,” ang sagot ng staff member tungkol kay Patani.

“Pataniacs” ang tawag ng mga tagahanga ni Patani sa kanilang grupo.

Matutuwa ang Pataniacs kapag nalaman nila na interesado kay Patani ang T.A.P.E. Inc., ang producer ng Eat Bulaga.

Kinausap na ng isang executive ng TAPE Inc. ang exe­cutive producer ng Survivor Philippines tungkol sa posibilidad na maging regular si Patani sa Eat Bulaga.

Ang Eat Bulaga ang isinagot ni Patani nang tanungin ito tungkol sa programa ng GMA 7 na gusto niya na maka­bilang siya.

Dennis Trillo star struck kay Judy Anne Santos September 23, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, GMA7, Movie, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , , ,
1 comment so far

AMINADO si Dennis Trillo na natutulala pa rin siya kapag kaharap na niya si Judy Ann Santos. Sabi nga ni Dennis, kung ano ang naramdaman niya nu’ng una silang magsama sa pelikula, ganu’n pa rin ang naramdaman niya sa movie nilang Mag-ingat Ka Sa…Kulam ng Regal Films.

“Kaya nga tahimik lang ako sa set. Everytime na nakikita ko siya, starstruck ako dahil iba ang aura na nakikita sa kanya. Iba ang level of confidence na pinu-project niya. Ibang level talaga ang isang Judy Ann!

Suwerte ko na nakatrabaho ko siya ulit,” sabi ni Dennis.

article: abnte

photo:abs

Richard Gutierrez on Heart Evangelista and Kc Concepcion September 17, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, GMA7, Heart Evangelista, KC Concepcion, Movie, Phillippine Chizmis, Richard Gutierrez], Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
21 comments

Japan-bound this November ang love team nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista para sa two-day shows na gaganapin sa Osaka at Tokyo na iisponsoran ng distributor ng GMA shows sa bansa.

Having the best of both worlds ang bida ng Codename: Asero dahil kapwa niya makakasama sa ibang bansa ang dalawang babaeng parte ng buhay at career niya ngayon.

Si Heart ang bibitbitin at ipapasyal niya sa GMA series sa Japan at si KC Concepcion naman ang makaka-date niya siyempre sa foreign screening ng For The First Time movie nila sa Vienna, Austria.

Jennilyn Mercado magbabalik sa pelikulang “One night only” ( jennilyn mercado update) September 16, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, GMA7, Jennilyn Mercado, Movie, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , ,
16 comments

Ayon sa mismong PR manager ng OctoArts Films na si Ms. Aster Amoyo ay kasama na si Jennylyn sa cast ng One Night Only. Ito ang magsisilbing comeback project ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor pagkatapos niyang isilang ang anak nila ng dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia.

Ang One Night Only ay isa sa dalawang entries ng film company ni Boss Orly Ilacad sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang isa pa ay ang reunion movie nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na Iskbul Bukol 20 Years After (The Adventures of Victorio Ungasis and the Escalera Brothers).

Makakasama ni Jennylyn sa One Night Only sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Paolo Contis, Alessandra de Rossi, Ricky Davao, Jon Avila, Candy Panglinan, Chokoleit, Jason Gainza, at ang mga kapatid ni Jennylyn sa management ni Becky Aguila na sina Valerie Concepcion at Joross Gamboa.

Matatandaang noong unang prinesenta ang One Night Only sa screening committee ng MMFF ay kasama sa cast ang ilan sa prime talents ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN. Pero napabalitang pinull out ang mga ito dahil ayaw raw ng Star Magic na magmukhang suporta ang mga alaga nila kay Katrina, na isang Kapuso star.

Annabelle Rama ayaw imanage si Gabby Concepcion September 16, 2008

Posted by auxbreak in Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , ,
1 comment so far

Dahil mainit ang isyu ng pag-terminate ni Gabby Concepcion kay Mrs.

Rose Flaminiano bilang business manager niya, tinanong namin si Annabelle tungkol sa kumakalat na balita na siya ang susunod na manager ng controversial actor.

“Ayokong makisawsaw sa isyu nina Gabby at Mommy Rose!” ang maagap na sagot ni Annabelle.

“Matagal ko nang kaibigan si Gabby at tinawagan lang niya ako sa telepono para magtanong dahil manager din ako.

“Dong, paano ko ima-manage si Gabby? Seloso ang mga anak ko. Sina JC de Vera at TJ Trinidad lang ang mga artistang lalake na gusto nila na i-manage ko. Tinanggap ko na talent si TJ dahil bestfriend ni Eduardo ang tatay niya,” say pa ni Annabelle.

Survivor Phillippines starts on September 15, 2008 September 10, 2008

Posted by auxbreak in GMA7, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , , ,
10 comments

Meet the 18 castaways of Survivor Philippines:

Kristina “Kaye” Alipio, 20, lingerie model

Leona Rica “Nikki” Dacullo, 21, call center agent

Jervy “Patani” Daño, 20, babysitter

Veronica “Vern” Domingo, 29, taekwondo coach

Vevherly Gador, 20, student

Chevyline “Chev” Macias, 26 years old, former GRO

Zita Ortiga, 47, laundrywoman

Maria Nona “Niña” Ortiz, 40, architect/wellness coach

Anna Charisse Yacapin, 26, product officer

Marlon Carmen, 30, waiter

Crisanto “Cris” Cartagenas, 30, company/taxi driver

Emerson Dino, 31, technician

Reynaldo “Jace” Chanco Flores, Jr., 19, gym instructor

John Anthony Lopez, 27, auto mechanic/model

Raymund Francis “Kiko” Rustia, 27, businessman

Cesar “Gigit” Sulit, 49, web designer/mountaineer

Robert Vincent “Rob” Sy, 30, sales officer

John Carlo “JC” Tiuseco, 23, basketball player

Piolo Pascual and Marian Rivera September 10, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Angel Locsin, Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Piolo Pascual, Showbiz.
Tags: , , , , , , , ,
13 comments

Isa si Piolo sa mga binanggit ni Mother Lily Monteverde na gusto niyang hiramin sa ABS-CBN at Star Cinema para sa kanyang film outfit na Regal Entertainment. Payag ba si Piolo rito?

“Exclusive po ako sa Star, e. ‘Pag pinahiram po. Pero nakapirma ako sa Star ng three pictures for three years. Depende po kay Tita Malou,” sagot ng matinee idol.

If ever, dagdag pa ni Mother Lily, gusto niyang itambal si Piolo kay Marian Rivera.

“Depende po kay Tita Malou. Sumusunod  lang ako kay Tita Malou,” ani Piolo.

Mas iigting daw ang competition sa kanila ni Dingdong Dantes kapag itinambal si Piolo kay Marian, na ka-love team ni Dingdong. Ano ang reaksiyon ni Piolo rito?

“No, Dingdong and I are friends,” diin ni Piolo. “I have no issues against the guy. I actually admire him because grabe rin naman ang pinagdaanan ni Dingdong. Kung magkaroon man ng competition, it will be a healthy competition. But both of us will benefit from it.”

Marian Rivera and Dingdong Dantes may Grand fans day sa SOP this Sunday September 10, 2008

Posted by auxbreak in Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , ,
4 comments

Magkakaroon ng ng grand fans’ day ang buong cast ng Dyesebel nga­yong Sunday sa SOP. Bahagi ito ng pasasalamat ng GMA sa mga taong tumangkilik sa telefantasya na nagsimula nu’ng huling Linggo ng Abril.

Siyempre pa, presen­t sa fan’s day ang lead stars ng Dyesebel na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, pati na ang ibang cast gaya nina Jean Garcia, Alfred Vargas, Mylene Dizon, Michelle Madrigal, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Ricky Davao, Teri Onor, at marami pang iba.

Dahil matatapos na ang Dyesebel next month.

John Loyd Cruz gusto makatrabaho si Marian Rivera August 29, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, GMA7, John Lloyd Cruz, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
52 comments

May bali balita na magkakaroon ng movie si John Loyd Cruz and Marian Rivera under Regal films. Hmmmm..

Sa interview kay JOhn loyd  regarding sa pagtatambal nilang dalawa ni Marian Rivera ay excited na excited sya.

“Siguro, nanggagaling ‘yon doon sa uhaw naming mga artista dito na parang, alam mo ‘ yon, gusto mong makatrabaho kahit hindi mga flag-bearer ng kabila. Ngayon, siyempre may gusto kang makatrabaho. Kung mabibigyan ng pagkakataon, talagang gugustuhin ko.”

What does he feel about the possibility of him working with Marian?

“I’m very excited, sa idea pa lang nga, e, nae-excite na ako, what more kung mag-materialize,” ended John Lloyd.

John Loyd Cruz and Marian Rivera bagay ba? What can you say?