jump to navigation

Marian Rivera magpapaseksi sa susunod na soap opera October 14, 2008

Posted by auxbreak in Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Phillippine Chizmis, Sexy Photo, Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
24 comments

All-out drama nga raw ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at mas seksing Marian daw ang mapapanood rito.

“Sexy talaga. Para maiba naman at para mas ma-challenge ako. Actually, hindi pa nasasabi sa akin ang kuwento. Pero, alam ko ang title. At wala akong ideya kung anong klaseng soap-opera siya. Pero sabi lang sa akin ni Dong, heavy drama at la­labas ang pagka-mature naming dalawa.”

Masaya nga si Marian na sila pa rin ni Dingdong ang magkasama.

“Siyempre naman. Iba kasi ang samahan namin ni Dingdong.”

Piolo Pascual and Marian Rivera September 10, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Angel Locsin, Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Piolo Pascual, Showbiz.
Tags: , , , , , , , ,
13 comments

Isa si Piolo sa mga binanggit ni Mother Lily Monteverde na gusto niyang hiramin sa ABS-CBN at Star Cinema para sa kanyang film outfit na Regal Entertainment. Payag ba si Piolo rito?

“Exclusive po ako sa Star, e. ‘Pag pinahiram po. Pero nakapirma ako sa Star ng three pictures for three years. Depende po kay Tita Malou,” sagot ng matinee idol.

If ever, dagdag pa ni Mother Lily, gusto niyang itambal si Piolo kay Marian Rivera.

“Depende po kay Tita Malou. Sumusunod  lang ako kay Tita Malou,” ani Piolo.

Mas iigting daw ang competition sa kanila ni Dingdong Dantes kapag itinambal si Piolo kay Marian, na ka-love team ni Dingdong. Ano ang reaksiyon ni Piolo rito?

“No, Dingdong and I are friends,” diin ni Piolo. “I have no issues against the guy. I actually admire him because grabe rin naman ang pinagdaanan ni Dingdong. Kung magkaroon man ng competition, it will be a healthy competition. But both of us will benefit from it.”

Marian Rivera and Dingdong Dantes may Grand fans day sa SOP this Sunday September 10, 2008

Posted by auxbreak in Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , ,
4 comments

Magkakaroon ng ng grand fans’ day ang buong cast ng Dyesebel nga­yong Sunday sa SOP. Bahagi ito ng pasasalamat ng GMA sa mga taong tumangkilik sa telefantasya na nagsimula nu’ng huling Linggo ng Abril.

Siyempre pa, presen­t sa fan’s day ang lead stars ng Dyesebel na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, pati na ang ibang cast gaya nina Jean Garcia, Alfred Vargas, Mylene Dizon, Michelle Madrigal, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Ricky Davao, Teri Onor, at marami pang iba.

Dahil matatapos na ang Dyesebel next month.

John Loyd Cruz gusto makatrabaho si Marian Rivera August 29, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, GMA7, John Lloyd Cruz, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
52 comments

May bali balita na magkakaroon ng movie si John Loyd Cruz and Marian Rivera under Regal films. Hmmmm..

Sa interview kay JOhn loyd  regarding sa pagtatambal nilang dalawa ni Marian Rivera ay excited na excited sya.

“Siguro, nanggagaling ‘yon doon sa uhaw naming mga artista dito na parang, alam mo ‘ yon, gusto mong makatrabaho kahit hindi mga flag-bearer ng kabila. Ngayon, siyempre may gusto kang makatrabaho. Kung mabibigyan ng pagkakataon, talagang gugustuhin ko.”

What does he feel about the possibility of him working with Marian?

“I’m very excited, sa idea pa lang nga, e, nae-excite na ako, what more kung mag-materialize,” ended John Lloyd.

John Loyd Cruz and Marian Rivera bagay ba? What can you say?

Marian Rivera naging emotional sa Birthday concert dahil sa kanyang tatay August 28, 2008

Posted by auxbreak in GMA7, Marian Rivera, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
8 comments

Malaking sorpresa kay Marian ang recording ng kanyang ama kagabi sa Birthday concert, hindi nito napigilan ang sobra-sobrang mapaiyak habang yakap-yakap ni Dingdong nang marinig ang boses ng ama na bumabati sa kanya sa wikang Español mula sa Spain.

May ilang segundo nang tapos ang naturang recorded message ng ama na si Mr. Francsico Javier Alonzo Gracia, pero patuloy pa rin sa pag-iyak si Marian. Hindi itinago ng young actress na miss na miss na niya ang kanyang ama na limang taon na niyang hindi nakikita.

Interview:pep

“For the first time”movie Director Joyce Bernal mas pinili nga ba ang concert ni Dingdong Dantes and Marian Rivera? August 28, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Dingdong Dantes, GMA7, KC Concepcion, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Richard Gutierrez], Showbiz.
Tags: , , , , , , , , , , ,
8 comments

Very visible ang presence ng direktor sa Marimar at Dyesebel na si Joyce Bernal, na kasama pa ang kanyang anak. Si Direk Joyce din ang direktor ng pelikulang For The First Time, na pilit ngang iniintriga at ginagawan ng anggulo ang pagkakasabay ng opening day ng movie at ng birthday concert nila.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

“Oo nga, nakikita nga namin, sumasayaw at palipat-lipat pa ng lugar. Yung samahan namin is beyond work. Kakaiba yung friendship naming tatlo. Alam namin na darating siya,” ani Dingdong.

Puwede rin bang sabihin na statement ang pagdating ni Direk Joyce sa kanilang concert, na wala naman talagang dapat na isyu sa pagkakatapat ng date ng birthday concert nila sa first day ng pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion?

“Well, for me, it just goes to show na trabaho ni Direk yung ginawa niya at gusto niya yung ginawa niya roon. At ginusto rin naman niyang pumunta rito. Pero wala namang ibang kahulugan yun. At saka noong nag-taping kami, sinabi niya talagang susuportahan niya kami kung kayat alam namin na darating talaga siya,” masayang pahayag ni Dingdong.

Mas feel yata ni Direk si Marian and Dingdong?

info : pep

Marian Rivera and Dingdong Dantes Birthday Concert video August 27 August 28, 2008

Posted by auxbreak in Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Phillippine Chizmis, Showbiz, Videos.
Tags: , , , , , , , , , ,
6 comments

Marian Rivera and Dingdong Dantes Birthday Concert August 27

Marian Rivera and Dingdong Dantes manonood ng “For the First time” August 25, 2008

Posted by auxbreak in Dingdong Dantes, GMA7, KC Concepcion, Marian Rivera, Phillippine Chizmis, Richard Gutierrez], Sexy Photo, Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
13 comments

Sabi nga ni Marian, wala raw siyang kinalaman sa date ng kanilang free birthday concert sa Big Dome. Sinabihan lang daw sila ni Dingdong at ‘yun daw ang susundin nila.

“Hindi naman kami ni Dong ang pumili ng date, eh. Sinabi lang sa amin ‘yan at siyempre natuwa kami because malaking event ito para sa mga fans namin ni Dong. Hindi naman namin alam na magiging mala­king issue pa ito.

“Pero nag-usap naman kami ni Dong na after ng show namin ay manonood kami ng For The First Time. ‘Yan ay bilang suporta namin sa pelikula nina Richard at Direk Joyce Bernal,” sabi ni Marian.

Wala naman daw kaso kay Marian kung panoorin niya ang Star Cinema movie dahil pareho naman daw nilang kaibigan ni Dingdong sina Richard at Direk Joyce.

Dingdong Dantes “walang pananabotaheng naganap” August 25, 2008

Posted by auxbreak in Dingdong Dantes, GMA7, KC Concepcion, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Richard Gutierrez], Showbiz.
Tags: , , , , , ,
9 comments

Anong masasabi ni Dingdong Dantes sa tapatan issue?

“Unang-una, sigurado ako na walang pananabotaheng naganap. Hindi namin sinasabotahe sina Ri­chard at KC.

“Nagkataon na ‘yung availability ng Araneta Coliseum is on August 27 lang din at sa pagkakaalam ko, matagal na raw na nai-book `yung show namin.
“And with the movie, kaibigan namin ‘yung mga nandoon. Kami ni Richard (Gutierrez) matagal ko nang sinasabi na kaming dalawa, wala kaming problema. Magkakasama kami sa isang network and we’re all friends. Then, si Direk Joyce Bernal who is the director of the movie is our friend also, being the director of Dyesebel.

“So, wala talaga. Besides, maliit lang ang industriya natin. Sobrang maliit lang ang chances na magkaroon ng ganitong event kaya sana, suportahan na lang with each other at magpasalamat sa lahat ng magagan­dang opportunity na dumarating sa ating lahat,” sabi pa ni Dingdong.

Image source : Igma

Interview source: abante

Sharon Cuneta masama ang loob dahil sa pagtapat ng Birthday concert(marian & dong) and first day showing ng Movie ni KC and chard August 24, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Dingdong Dantes, GMA7, KC Concepcion, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Richard Gutierrez], Showbiz.
Tags: , , , , , , , ,
17 comments

August 24, 2008

Sa palabas ni Shawee sa ABS CBN na  ” SHARON” (august 24, 2008) inamin niya na nagtampo sya sa GMA7 dahil sa  pagtapat ng birthday concert ni Marian Rivera and Dingdong Dantes & first day showing ng “For the First time” na movie nina KC Concepcion and Richard Gutierrez.

Ang tanong ni ate shawee ” Bakit ipinagtapat?” gayong si Richard Gutierrez ay talent ng GMA7.

Si annabelle Rama naman ay nadismaya din sa nangayari.

Watch out for the video of this episode here, coming very soon.