jump to navigation

Willie Revillame and Joey de Leon nagkabati na..watch the video October 18, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Eat Bulaga, GMA7, Joey De Leon, Phillippine Chizmis, Phillippines, Showbiz, Videos, Willie Revillame, Wowowee.
Tags: , , , , , , , , , , , ,
trackback

Dumating ang TV host-comedian na si Joey de Leon sa kauna-unahang Supreme to the Extreme Award na ipinamahagi ng Philippine STAR kagabi, October 17, sa Embassy Super Club sa The Fort, Taguig City.

Si Joey ang tumanggap ng highest award na Supremo Award.

“Nakakatuwa. Isinama ko pa nga ang dalawa kong anak dahil proud ako rito. Proud ako! Excited ako rito at seryoso ako sa award na ito,” saad ni Joey.

Dumating din sa naturang awards night ang host ng Wowowee na si Willie Revillame, na kapatutsadahan ni Joey sa kanya namang noontime show na Eat Bulaga.

Bago pa man sila magkaharap ni Willie sa stage nang tanggapin naman ng Wowowee host ang kanyang Televisionary Award, nahingan na namin  si Joey ng pahayag tungkol sa napipintong paghaharap nila ni Willie.

“Oo nga, hinahanap ko nga, e, nandoon yata sa likod. Okey lang, kaibigan ko naman yun,” nakangiting sabi ni Joey.

Aniya, “Si Willie? Wala, kaibigan ko yun matagal na. Yung sa TV, biruan-biruan lang namin yun. Hello, pare, kumusta ka? Pautang! Hindi pala, pengeng pera!” natatawang sabi ni Joey.

Pagkatapos ng awards night, tinanong namin ulit si Joey kung ano ang masasabi niya sa pagbabati nila ni Willie.

“Wala yun, magkaibigan kami niyan,” ulit niya. “Bukas [October 18], babatiin ko siya sa Eat Bulaga at babatiin din niya ako [sa Wowowee]. Parehong pinapanood ‘yan. Ratings lang ‘yan. Two can survive. Not Channel 2 ha? Two can survive,” pakuwela ni Joey.

What about his message to Willie?

“Na-miss ko rin siya, matagal kong nakasama ‘yan.”

Alam din ng karamihan na dahil sa namagitan sa kanila ni Willie sa mga patutsadahan nila sa telebisyon, madalas din siyang mapitik sa panulat ni Cristy Fermin. Ano ang masasabi ni Joey sa suspension ni Cristy sa ABS-CBN, lalo pa nga’t pareho rin silang host ng talk shows; si Cristy sa The Buzz at si Joey naman sa Startalk?

“Hindi ko alam ang buong istorya nila. Ako nga, e, madalas masuspinde, so okay lang ‘yan. Wala, okey lang na masuspinde. Ako ang pinakahari ng suspension, e. Okey lang yun, balewala yun. Minsan kasama sa trabaho yun,” pahayag ng beteranong TV host.

“Alam n’yo, sa diyaryo ko lang kayo nababasa,” sabi niya sa mga young writers. “Hindi n’yo lang alam, before I joined Philippine STAR, e, fan n’yo na ako! At ang Supremo po ay mataas ‘yan! Ang katumbas niyan, e, patron, ‘ika nga.”

Sa huli, sinabi pa niyang, “Willie, I love you!”sabay nagpalakpakan at sigawan ang mga tao sa loob ng Embassy Bar.

Comments»

1. jasamafalda - December 15, 2008

willie….
amplastik nyan ni joey..
wag ka pa2dala sa knya…
emotero ampota …

2. Ratgeber Gesundheit - January 19, 2009

It’s better to be late than never at all. At least they make friends again in the eyes of the world. What will happen next, is another chapter of the story. We will just wait and see.

3. feelerz - January 30, 2009

c joey akala na sino syang gwapo na pagsabihan c pokwang na awang;’;’;;’

4. オテモニャン - February 6, 2010

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: