jump to navigation

Piolo Pascual and Marian Rivera September 10, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Angel Locsin, Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Piolo Pascual, Showbiz.
Tags: , , , , , , , ,
13 comments

Isa si Piolo sa mga binanggit ni Mother Lily Monteverde na gusto niyang hiramin sa ABS-CBN at Star Cinema para sa kanyang film outfit na Regal Entertainment. Payag ba si Piolo rito?

“Exclusive po ako sa Star, e. ‘Pag pinahiram po. Pero nakapirma ako sa Star ng three pictures for three years. Depende po kay Tita Malou,” sagot ng matinee idol.

If ever, dagdag pa ni Mother Lily, gusto niyang itambal si Piolo kay Marian Rivera.

“Depende po kay Tita Malou. Sumusunod  lang ako kay Tita Malou,” ani Piolo.

Mas iigting daw ang competition sa kanila ni Dingdong Dantes kapag itinambal si Piolo kay Marian, na ka-love team ni Dingdong. Ano ang reaksiyon ni Piolo rito?

“No, Dingdong and I are friends,” diin ni Piolo. “I have no issues against the guy. I actually admire him because grabe rin naman ang pinagdaanan ni Dingdong. Kung magkaroon man ng competition, it will be a healthy competition. But both of us will benefit from it.”

Advertisements

Angel Locsin magpapakadaring sa movie nila ni Piolo Pascual”Land Down Under”(tentative title) August 28, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Angel Locsin, Movie, Phillippine Chizmis, Piolo Pascual, Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
19 comments

Masayang masaya sina Angel at Piolo ,finally ay matutuloy na rin ang first movie nila.

“Ako sobrang happy, excited. Ito ang first mo­vie ko sa Star Cinema, at second project namin ni Piolo,” bungad na sabi ni Angel.

“Definitely, exci­ted ako, kasi after Lobo, first time ito sa amin ni A­ngel na gagawa ng cha­racter na malayo sa amin. Iba kasi ang movie, larger than life,” sagot naman ni P­iolo.

Siyempre, napag-usapan kaagad ang matitin­ding love scene na gagawin ng dalawa sa ‘Land Down Under’.

“Nabasa ko na ang script, at meron talagang mga love scene. Actually, kakausapin pa ako ni direk Rory Quintos kung paano ie-execute ang mga shots. Pag-uusapan muna namin.

“Pero siyempre, alam niyo naman ako, hindi naman ako gagawa ng hindi naman artistic o hindi maganda. Tingnan na lang natin.

“Love story ito, kaya maraming ganun. Hindi naman mawawala `yon, eh,” sabi ni Angel, na tila kabado sa gagawin nilang matinding lampungan ni Piolo.

Interview : abnte

Piolo Pascual and Angel Locsin gagawa ng movie for November 2008 August 24, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Angel Locsin, Movie, Phillippine Chizmis.
Tags: , , , , , ,
1 comment so far

Magsisimula ng mag shooting ng movie sina Piolo Pascual and Angel Locsin ngayong weekend,  first movie nilang dalawa ito. Ang estimated playdate nito ay sa November of this year.

Malalagpasan kaya nila ang  “Sarah Geronimo and John Loyd Movie ” A Very Special Love” ? ”

Claudine lilipat sa GMA? August 17, 2008

Posted by auxbreak in Angel Locsin, Claudine Baretto, Phillippine Chizmis, Phillippines, Showbiz.
Tags: , , , ,
6 comments

Maraming bulong bulungan na lilipat si claudine sa GMA 7, how true ito?

Ayon sa chismis na kumakalat sa mundo ng Phillippine showbiz, pinagiisipan ni Ms Claudine Baretto and lumipat sa GMA 7, dahil umano pinaboran pa umano si Angel Locsin ng ABS CBN kaysa sa kanya na matagal na sa naturang istasyon.

Kung inyo pang naaalala, nagkaroon ng di magandang pag sasagutan ang dalawa sa isang salon.