jump to navigation

Willie Revillame and Joey de Leon nagkabati na..watch the video October 18, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Eat Bulaga, GMA7, Joey De Leon, Phillippine Chizmis, Phillippines, Showbiz, Videos, Willie Revillame, Wowowee.
Tags: , , , , , , , , , , , ,
4 comments

Dumating ang TV host-comedian na si Joey de Leon sa kauna-unahang Supreme to the Extreme Award na ipinamahagi ng Philippine STAR kagabi, October 17, sa Embassy Super Club sa The Fort, Taguig City.

Si Joey ang tumanggap ng highest award na Supremo Award.

“Nakakatuwa. Isinama ko pa nga ang dalawa kong anak dahil proud ako rito. Proud ako! Excited ako rito at seryoso ako sa award na ito,” saad ni Joey.

Dumating din sa naturang awards night ang host ng Wowowee na si Willie Revillame, na kapatutsadahan ni Joey sa kanya namang noontime show na Eat Bulaga.

Bago pa man sila magkaharap ni Willie sa stage nang tanggapin naman ng Wowowee host ang kanyang Televisionary Award, nahingan na namin  si Joey ng pahayag tungkol sa napipintong paghaharap nila ni Willie.

“Oo nga, hinahanap ko nga, e, nandoon yata sa likod. Okey lang, kaibigan ko naman yun,” nakangiting sabi ni Joey.

Aniya, “Si Willie? Wala, kaibigan ko yun matagal na. Yung sa TV, biruan-biruan lang namin yun. Hello, pare, kumusta ka? Pautang! Hindi pala, pengeng pera!” natatawang sabi ni Joey.

Pagkatapos ng awards night, tinanong namin ulit si Joey kung ano ang masasabi niya sa pagbabati nila ni Willie.

“Wala yun, magkaibigan kami niyan,” ulit niya. “Bukas [October 18], babatiin ko siya sa Eat Bulaga at babatiin din niya ako [sa Wowowee]. Parehong pinapanood ‘yan. Ratings lang ‘yan. Two can survive. Not Channel 2 ha? Two can survive,” pakuwela ni Joey.

What about his message to Willie?

“Na-miss ko rin siya, matagal kong nakasama ‘yan.”

Alam din ng karamihan na dahil sa namagitan sa kanila ni Willie sa mga patutsadahan nila sa telebisyon, madalas din siyang mapitik sa panulat ni Cristy Fermin. Ano ang masasabi ni Joey sa suspension ni Cristy sa ABS-CBN, lalo pa nga’t pareho rin silang host ng talk shows; si Cristy sa The Buzz at si Joey naman sa Startalk?

“Hindi ko alam ang buong istorya nila. Ako nga, e, madalas masuspinde, so okay lang ‘yan. Wala, okey lang na masuspinde. Ako ang pinakahari ng suspension, e. Okey lang yun, balewala yun. Minsan kasama sa trabaho yun,” pahayag ng beteranong TV host.

“Alam n’yo, sa diyaryo ko lang kayo nababasa,” sabi niya sa mga young writers. “Hindi n’yo lang alam, before I joined Philippine STAR, e, fan n’yo na ako! At ang Supremo po ay mataas ‘yan! Ang katumbas niyan, e, patron, ‘ika nga.”

Sa huli, sinabi pa niyang, “Willie, I love you!”sabay nagpalakpakan at sigawan ang mga tao sa loob ng Embassy Bar.

Patani Dano ng Survivor Phillippines lumaki na ang Ulo October 14, 2008

Posted by auxbreak in Eat Bulaga, GMA7, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , ,
add a comment

TINANGGI ng isang staff member ng Survivor Philippines na lumaki na ang ulo ni Patani Dano mula nang matupad ang pangarap nito na magkaroon ng maraming TV exposure.

“Lagi lang pong dilat dahil hindi nakakatulog ng sapat,” ang sagot ng staff member tungkol kay Patani.

“Pataniacs” ang tawag ng mga tagahanga ni Patani sa kanilang grupo.

Matutuwa ang Pataniacs kapag nalaman nila na interesado kay Patani ang T.A.P.E. Inc., ang producer ng Eat Bulaga.

Kinausap na ng isang executive ng TAPE Inc. ang exe­cutive producer ng Survivor Philippines tungkol sa posibilidad na maging regular si Patani sa Eat Bulaga.

Ang Eat Bulaga ang isinagot ni Patani nang tanungin ito tungkol sa programa ng GMA 7 na gusto niya na maka­bilang siya.

Joey de Leon “Peace” mensahe ni Pokwang August 26, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Eat Bulaga, GMA7, Joey De Leon, Phillippine Chizmis, Showbiz, Willie Revillame, Wowowee.
Tags: , , , , , , , ,
12 comments

Interview kay pokwang regarding “aswang issue”.

“Sana matapos na ang gulo. Maliit lang ang industriya, darating ang araw na magkakatrabaho din kami kaya ayoko na ng ganyang mga away o gulo,” saad niya

“Sana tama na yung mga ganyan,” pakiusap niya. “Pinapanood tayo ng mga humahanga sa atin, from bata to matanda, especially sa mga bata. ‘Pag nakikitang ganito nang ganito, ano ang iispin nila? Anyway, sa Channel 2, hindi naman sa amin nagmumula, tahimik lang kami.

“Actually,” patuloy niya, “natutuwa ako at ang buong pamilya ko sa ginawa ni Papi [Willie], sobrang nagpapasalamat kami sa kanya. Kung ako, dedeadmahin ko na lang talaga pero siyempre sa awa sa akin ni Papi, hindi na lang niya napigilan yung sarili niya, yung damdamin niya sa akin bilang isang tao, bilang ako sa ginawa niya.”

Aminado si Pokwang na noong una ay hindi siya apektado sa pagtawag diumano sa kanya na “mukhang aswang.” Pero kalaunan ay naapektuhan na rin siya nang makita niyang apektado na ang anak na Ria Mae.

“Nung una, okey lang. Pero nung naapektuhan na yung bata, siyempre bilang ina, bilang isang babae, nasaktan na ako. Hindi ako nasaktan dahil tinawag niya akong aswang dahil hindi naman totoo. Yung tuksuhin lang ang anak ko, yun ang malaking issue. Sabi ko na lang, bayaan na lang kasi ang tao naman ang manghuhusga.

“Totoong naiyak ako kasi marami palang nagmamahal sa akin. Nakita ko yung reaksiyon ng mga tao, nabasa ko yung mga e-mails. Kaya ako naiyak because ang daming nagmamahal at sumusuporta sa akin,” lahad ni Pokwang.

Nang tanungin naman kung may mensahe siya para kay Joey, simple lang ang isinagot ni Pokwang: “Isang word lang, peace.”

Michael V nasa cover ng Readers Digest (august 25,2008) August 25, 2008

Posted by auxbreak in Eat Bulaga, GMA7, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , , , , ,
4 comments

Hanggang ngayon ay hinde pa rin makapaniwala si Micheal V na nafeature sya sa Readers Digest.

Siya ang ikalawang Pilipino na naging cover ng naturang magazine, ang una ay si Former President Cory Aquino.

Sa naturang cover ay naka-makeup si Michael V na mukhang matanda at naka-Barong Tagalog. Sa bottom ng cover ay nakalagay ang mga salitang “Yari Ka!”—tagline ng show ni Bitoy sa GMA-7, ang Bitoy’s Funniest Videos.

Congrats Bitoy , you make filipino proud.

Willie Revillame and Joey De Leon regarding “Aswang” issue August 19, 2008

Posted by auxbreak in Eat Bulaga, Joey De Leon, Phillippine Chizmis, Phillippines, Showbiz, Willie Revillame, Wowowee.
Tags: , , , , ,
7 comments

Kahapon sa Wowowee August 18,1008 nagsalita si Willie Revillame upang ipagtanggol ang Co host na si Pokwang. Ito ay dahil sa pagtawag ni Joey kay Pokwang na mukhang aswang sa kanyang parody number . (Imagine by John lennon)

“Channel 2’s the only one / Makikita araw-araw ay mukha lang ni Pokwang…” awit ng ace comedian kasabay ng malakas na hiyawan ng mga manonood.

Hindi pa doon natapos ang delivery ni Joey, dahil sumundot pa ito ng mga linyang: “Makikita araw-araw / ay mukha lang ng aswang…”

Ibat iba ang naging reaksyon dito ng mga  tao.

May nagsasabing pakulo lang daw ang pagsawsaw ni Willie sa issue.

May iba naman na nagsabi  below the belt na ang ginawang lyrics ni Joey ukol sa pagiging mukhang aswang ni Pokwang.

Isa lang ang sigurado, War na naman ito sa pagitan ng dalawa.