jump to navigation

Piolo Pascual and Marian Rivera September 10, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Angel Locsin, Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Piolo Pascual, Showbiz.
Tags: , , , , , , , ,
13 comments

Isa si Piolo sa mga binanggit ni Mother Lily Monteverde na gusto niyang hiramin sa ABS-CBN at Star Cinema para sa kanyang film outfit na Regal Entertainment. Payag ba si Piolo rito?

“Exclusive po ako sa Star, e. ‘Pag pinahiram po. Pero nakapirma ako sa Star ng three pictures for three years. Depende po kay Tita Malou,” sagot ng matinee idol.

If ever, dagdag pa ni Mother Lily, gusto niyang itambal si Piolo kay Marian Rivera.

“Depende po kay Tita Malou. Sumusunod  lang ako kay Tita Malou,” ani Piolo.

Mas iigting daw ang competition sa kanila ni Dingdong Dantes kapag itinambal si Piolo kay Marian, na ka-love team ni Dingdong. Ano ang reaksiyon ni Piolo rito?

“No, Dingdong and I are friends,” diin ni Piolo. “I have no issues against the guy. I actually admire him because grabe rin naman ang pinagdaanan ni Dingdong. Kung magkaroon man ng competition, it will be a healthy competition. But both of us will benefit from it.”

Advertisements