jump to navigation

Marian Rivera magpapaseksi sa susunod na soap opera October 14, 2008

Posted by auxbreak in Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Phillippine Chizmis, Sexy Photo, Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
24 comments

All-out drama nga raw ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at mas seksing Marian daw ang mapapanood rito.

“Sexy talaga. Para maiba naman at para mas ma-challenge ako. Actually, hindi pa nasasabi sa akin ang kuwento. Pero, alam ko ang title. At wala akong ideya kung anong klaseng soap-opera siya. Pero sabi lang sa akin ni Dong, heavy drama at la­labas ang pagka-mature naming dalawa.”

Masaya nga si Marian na sila pa rin ni Dingdong ang magkasama.

“Siyempre naman. Iba kasi ang samahan namin ni Dingdong.”

Advertisements

Piolo Pascual and Marian Rivera September 10, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Angel Locsin, Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Piolo Pascual, Showbiz.
Tags: , , , , , , , ,
13 comments

Isa si Piolo sa mga binanggit ni Mother Lily Monteverde na gusto niyang hiramin sa ABS-CBN at Star Cinema para sa kanyang film outfit na Regal Entertainment. Payag ba si Piolo rito?

“Exclusive po ako sa Star, e. ‘Pag pinahiram po. Pero nakapirma ako sa Star ng three pictures for three years. Depende po kay Tita Malou,” sagot ng matinee idol.

If ever, dagdag pa ni Mother Lily, gusto niyang itambal si Piolo kay Marian Rivera.

“Depende po kay Tita Malou. Sumusunod  lang ako kay Tita Malou,” ani Piolo.

Mas iigting daw ang competition sa kanila ni Dingdong Dantes kapag itinambal si Piolo kay Marian, na ka-love team ni Dingdong. Ano ang reaksiyon ni Piolo rito?

“No, Dingdong and I are friends,” diin ni Piolo. “I have no issues against the guy. I actually admire him because grabe rin naman ang pinagdaanan ni Dingdong. Kung magkaroon man ng competition, it will be a healthy competition. But both of us will benefit from it.”

Marian Rivera and Dingdong Dantes may Grand fans day sa SOP this Sunday September 10, 2008

Posted by auxbreak in Dingdong Dantes, GMA7, Marian Rivera, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , ,
4 comments

Magkakaroon ng ng grand fans’ day ang buong cast ng Dyesebel nga­yong Sunday sa SOP. Bahagi ito ng pasasalamat ng GMA sa mga taong tumangkilik sa telefantasya na nagsimula nu’ng huling Linggo ng Abril.

Siyempre pa, presen­t sa fan’s day ang lead stars ng Dyesebel na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, pati na ang ibang cast gaya nina Jean Garcia, Alfred Vargas, Mylene Dizon, Michelle Madrigal, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Ricky Davao, Teri Onor, at marami pang iba.

Dahil matatapos na ang Dyesebel next month.

Marian Rivera naging emotional sa Birthday concert dahil sa kanyang tatay August 28, 2008

Posted by auxbreak in GMA7, Marian Rivera, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
8 comments

Malaking sorpresa kay Marian ang recording ng kanyang ama kagabi sa Birthday concert, hindi nito napigilan ang sobra-sobrang mapaiyak habang yakap-yakap ni Dingdong nang marinig ang boses ng ama na bumabati sa kanya sa wikang Español mula sa Spain.

May ilang segundo nang tapos ang naturang recorded message ng ama na si Mr. Francsico Javier Alonzo Gracia, pero patuloy pa rin sa pag-iyak si Marian. Hindi itinago ng young actress na miss na miss na niya ang kanyang ama na limang taon na niyang hindi nakikita.

Interview:pep

Marian Rivera and Dingdong Dantes manonood ng “For the First time” August 25, 2008

Posted by auxbreak in Dingdong Dantes, GMA7, KC Concepcion, Marian Rivera, Phillippine Chizmis, Richard Gutierrez], Sexy Photo, Showbiz.
Tags: , , , , , , ,
13 comments

Sabi nga ni Marian, wala raw siyang kinalaman sa date ng kanilang free birthday concert sa Big Dome. Sinabihan lang daw sila ni Dingdong at ‘yun daw ang susundin nila.

“Hindi naman kami ni Dong ang pumili ng date, eh. Sinabi lang sa amin ‘yan at siyempre natuwa kami because malaking event ito para sa mga fans namin ni Dong. Hindi naman namin alam na magiging mala­king issue pa ito.

“Pero nag-usap naman kami ni Dong na after ng show namin ay manonood kami ng For The First Time. ‘Yan ay bilang suporta namin sa pelikula nina Richard at Direk Joyce Bernal,” sabi ni Marian.

Wala naman daw kaso kay Marian kung panoorin niya ang Star Cinema movie dahil pareho naman daw nilang kaibigan ni Dingdong sina Richard at Direk Joyce.

Piolo Pascual and Dingdong Dantes Magkasama August 25, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Dingdong Dantes, GMA7, Phillippine Chizmis, Piolo Pascual, Showbiz.
Tags: , , , , , , , ,
4 comments

Nagsama sa isang ad campaign for Ponds sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual.

Ang idea raw kasi ng naturang campaign ad ay two of the hottest and two of the prime talents ng both networks ang pinagsama ng Pond’s.

Sino sa tingin nyo ang mas hottest ?