jump to navigation

Joey de Leon “Peace” mensahe ni Pokwang August 26, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Eat Bulaga, GMA7, Joey De Leon, Phillippine Chizmis, Showbiz, Willie Revillame, Wowowee.
Tags: , , , , , , , ,
12 comments

Interview kay pokwang regarding “aswang issue”.

“Sana matapos na ang gulo. Maliit lang ang industriya, darating ang araw na magkakatrabaho din kami kaya ayoko na ng ganyang mga away o gulo,” saad niya

“Sana tama na yung mga ganyan,” pakiusap niya. “Pinapanood tayo ng mga humahanga sa atin, from bata to matanda, especially sa mga bata. ‘Pag nakikitang ganito nang ganito, ano ang iispin nila? Anyway, sa Channel 2, hindi naman sa amin nagmumula, tahimik lang kami.

“Actually,” patuloy niya, “natutuwa ako at ang buong pamilya ko sa ginawa ni Papi [Willie], sobrang nagpapasalamat kami sa kanya. Kung ako, dedeadmahin ko na lang talaga pero siyempre sa awa sa akin ni Papi, hindi na lang niya napigilan yung sarili niya, yung damdamin niya sa akin bilang isang tao, bilang ako sa ginawa niya.”

Aminado si Pokwang na noong una ay hindi siya apektado sa pagtawag diumano sa kanya na “mukhang aswang.” Pero kalaunan ay naapektuhan na rin siya nang makita niyang apektado na ang anak na Ria Mae.

“Nung una, okey lang. Pero nung naapektuhan na yung bata, siyempre bilang ina, bilang isang babae, nasaktan na ako. Hindi ako nasaktan dahil tinawag niya akong aswang dahil hindi naman totoo. Yung tuksuhin lang ang anak ko, yun ang malaking issue. Sabi ko na lang, bayaan na lang kasi ang tao naman ang manghuhusga.

“Totoong naiyak ako kasi marami palang nagmamahal sa akin. Nakita ko yung reaksiyon ng mga tao, nabasa ko yung mga e-mails. Kaya ako naiyak because ang daming nagmamahal at sumusuporta sa akin,” lahad ni Pokwang.

Nang tanungin naman kung may mensahe siya para kay Joey, simple lang ang isinagot ni Pokwang: “Isang word lang, peace.”

Advertisements