jump to navigation

Annabelle Rama ayaw imanage si Gabby Concepcion September 16, 2008

Posted by auxbreak in Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , ,
1 comment so far

Dahil mainit ang isyu ng pag-terminate ni Gabby Concepcion kay Mrs.

Rose Flaminiano bilang business manager niya, tinanong namin si Annabelle tungkol sa kumakalat na balita na siya ang susunod na manager ng controversial actor.

“Ayokong makisawsaw sa isyu nina Gabby at Mommy Rose!” ang maagap na sagot ni Annabelle.

“Matagal ko nang kaibigan si Gabby at tinawagan lang niya ako sa telepono para magtanong dahil manager din ako.

“Dong, paano ko ima-manage si Gabby? Seloso ang mga anak ko. Sina JC de Vera at TJ Trinidad lang ang mga artistang lalake na gusto nila na i-manage ko. Tinanggap ko na talent si TJ dahil bestfriend ni Eduardo ang tatay niya,” say pa ni Annabelle.

Advertisements

Gabby Concepcion “nagbabago na dahil sa pera”? September 10, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, KC Concepcion, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , ,
add a comment

Base sa mga lumalabas na balita, pera ang diumano’y ugat ng hidwaan ni Gabby at ng kanyang manager.

Malaki raw ang ipinag­bago ng ugali ni Gabby nang matapos ang kanyang successful two-night concert sa Music Museum. Humihingi na raw si Gabby ng mas mataas na talent fee at nag-walk out siya sa isang meeting nang malaman niya na co-producer si Mommy Rose sa kanyang concert.

Kahawig ni KC Concepcion ang half sister nya August 27, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, KC Concepcion, Phillippine Chizmis, Showbiz.
Tags: , , , , , ,
6 comments

Ayon sa bali balita kahawig daw ni KC Concepcion ang half sister nya sa current wife ni Gabby Concepcion na si Ginbee Yatco Gonzales.

Sa YES Magazine August 2008 makikita ang mga larawan at kayo na bahalang humusga kung kamukha ba nya si KC.

Gabby Concepcion and Ginbee Yatco Gonzalez

Image : http://www.newsflash.org

Sharon Cuneta nagbago ng isip attend na sya ng premiere night ng movie ni KC Concepcion August 23, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, GMA7, KC Concepcion, Movie, Phillippine Chizmis, Richard Gutierrez], Showbiz.
Tags: , , , , , , , ,
1 comment so far

Confirm na ang pagdating ni Sharon Cuneta sa premiere night ng pelikula ni Kc concepcion and Richard Gutierrez, kahit na dumating pa si Gabby Concepcion , aattend pa rin si ate Shawee. Hmmm.. bakit kaya nagbago ng isip si Ate Shawee.

Sa ngayon, inaayos na ng Star Cinema Productions ang sitting arrangement ng sandamakmak na listahan ng mga celebrities na darating sa premiere night ng For The First Time. Maging si Richard ay inimbita rin ang mga kasamahan niya sa GMA-7, tulad ng aktor na si Richard Gomez at ang misis nito na si Lucy Torres and their daughter Julianna, pati na ang ilang executives ng Kapuso network ay nagkumpirmang darating sa premire night ng movie ni Richard with KC.

Source image: abante

Sharon Cuneta di aattend ng Premiere night ng Movie ni KC Concepcion at Richard Gutierrez August 20, 2008

Posted by auxbreak in KC Concepcion, Movie, Phillippine Chizmis, Phillippines, Richard Gutierrez], Showbiz.
Tags: , , , ,
6 comments

HIndi aattend ng premiere night ng movie ni KC Concepcion at Richard Gutierrez si Sharon Cuneta ina ni KC, ito ay dahil sa manonood ang dati nyang ex husband na si Gabby Concepcion. Sa nakaraang concert ni Gabby sa Music Museum sinabi nya na 100% sure na dadalo sya sa premiere night ng “The First Time”.

Ayaw daw kse ni Sharon n pagpiyestahan silang dalawa ni Gabby sa naturang premiere night.

Bitter pa rin sa Ate shawee sa nakaraan nila ni Gabby?

Image from Pep

Image from Pep