jump to navigation

“For the first time”movie Director Joyce Bernal mas pinili nga ba ang concert ni Dingdong Dantes and Marian Rivera? August 28, 2008

Posted by auxbreak in ABS CBN, Dingdong Dantes, GMA7, KC Concepcion, Marian Rivera, Movie, Phillippine Chizmis, Richard Gutierrez], Showbiz.
Tags: , , , , , , , , , , ,
8 comments

Very visible ang presence ng direktor sa Marimar at Dyesebel na si Joyce Bernal, na kasama pa ang kanyang anak. Si Direk Joyce din ang direktor ng pelikulang For The First Time, na pilit ngang iniintriga at ginagawan ng anggulo ang pagkakasabay ng opening day ng movie at ng birthday concert nila.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

“Oo nga, nakikita nga namin, sumasayaw at palipat-lipat pa ng lugar. Yung samahan namin is beyond work. Kakaiba yung friendship naming tatlo. Alam namin na darating siya,” ani Dingdong.

Puwede rin bang sabihin na statement ang pagdating ni Direk Joyce sa kanilang concert, na wala naman talagang dapat na isyu sa pagkakatapat ng date ng birthday concert nila sa first day ng pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion?

“Well, for me, it just goes to show na trabaho ni Direk yung ginawa niya at gusto niya yung ginawa niya roon. At ginusto rin naman niyang pumunta rito. Pero wala namang ibang kahulugan yun. At saka noong nag-taping kami, sinabi niya talagang susuportahan niya kami kung kayat alam namin na darating talaga siya,” masayang pahayag ni Dingdong.

Mas feel yata ni Direk si Marian and Dingdong?

info : pep

Advertisements